Sa kanyang unang taon ng panunungkulan, inaasahang ilalahad ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga accomplishment ng kanyang tanggapan at magiging direksyon nito sa susunod na taon.
Gaganapin ang kanyang first-year address sa flag-raising ceremony sa punong tanggapan ng Office of the Ombudsman sa Quezon City ngayong araw.
Dito, inaasahang bibigyang-diin ni Omb. Remulla ang pagpapalakas ng pananagutan sa pamahalaan lalo na sa mga sangkot sa katiwalian.
Matatandaang kabilang sa mga kasong tinututukan ng Ombudsman ang mga alegasyon ng korapsyon sa mga proyektong may kaugnayan sa flood control na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong indibidwal.