Nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Bicol ng family food packs sa mga residente ng Barangay Camagong, Oas, Albay, bilang tugon sa banta ng tagtuyot dulot ng El Niño.
Layon nitong matulungan ang mga pamilyang posibleng maapektuhan ng matagal na panahon ng tagtuyot.
Patuloy namang mino-monitor ng DSWD ang kalagayan ng mga residente para matukoy ang iba pang serbisyong maaari nilang matanggap, batay sa kanilang pangangailangan.
Bahagi ito ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng El Niño.
📸 DSWD

