Photo courtesy of Sandiganbayan Pool
Magsisimula na ngayong Lunes, October 12 ang bail hearing ng Sandiganbayan 3rd Division sa kinahaharap na kasong plunder ni dating House Speaker at Leyte Reprwsentative Martin Romualdez.
Kasama sa kapwa akusado nito sa kaso sina dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at dalawa pang indibidwal na may kaugnayan sa umano’y ₱7.4-bilyong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025.
Sa bail hearing, inaasahang maghahain ng ebidensya ang prosekusyon para patunayan kung malakas ang ebidensya ng pagkakasala laban kay Romualdez, habang ilalahad naman ng depensa ang kanilang mga argumento para sa kanyang petisyon sa piyansa.
Matatandaang pinayagan ng Sandiganbayan si Romualdez na lumagda sa pre-trial order habang nakadetine sa New Quezon City Jail sa Payatas. Pinahintulutan din siyang dumalo sa mga susunod na pagdinig sa pamamagitan ng videoconference, alinsunod sa mga itinakdang kondisyon ng korte.
Ang bail hearing ay naka-iskedyul tuwing Lunes, Martes, at Huwebes hanggang November 12.
📸 Sandiganbayan Pool