Nagpadala na ng team ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Estados Unidos para bigyan ng legal support ang mahigit 200 Filipino seafarers na umano’y pina-deport nang walang access sa abogado, habang sila’y iniimbestigahan o tinatanong ng mga otoridad.
Pinangunahan nina DMW Undersecretary Bernard Olalia at Usec. Felicitas Bay ang grupo na tumulak patungong Washington DC para makaharap si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel ‘Babe’ Romualdez.
Tumanggi namang magkomento si DMW Secretary Hans Leo Cacdac kung legal o hindi ang deportation ng 239 Filipino seafarers na nagtatrabaho sa cruise ships sa Estados Unidos.
Una nang sinabi ng US immigration officers na ang access sa child pornography ang dahilan ng deportation ng ilang seafarers, bagay na itinanggi ng mga Pilipino.