Nananatili ang committment ng Energy Regulatory Commission (ERC) na patatagin ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid na halos isang taon ding isinasailalim sa Yellow at Red Alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Una rito’y pinayagan ERC ang provisional authority para sa Ancillary Services Procurement Agreement (ASPA) sa pagitan ng NGCP at ng East Asia Utilities Corporation para sa kanilang Battery Storage System (BESS) sa Mactan, Lapu-Lapu City sa Cebu
Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Francis Saturnino Juan, ang hakbang ay bilang pagsuporta sa plano ni Energy Secretary Sharon Garin na magtatag ng battery storage sa Cebu upang masolusyunan ang kakapusan sa suplay ng kuryente sa Visayas Grid.
Samantala, pansamantala namang sinuspinde ng ERC ang bentahan ng kurytente mula sa Wholsale Electricity Spot Market (WESM) bilang tugon sa tumataas na Ancillary Services rates.
Layunin nito ayon sa ERC ay upang maisaayos din ang mga patakaran sa naturang serbisyo at kung paano ito naipapasa sa mga konsyumer.
Ang Ancillary Service ay nagsisilbing reserba sa Grid na nagpapabalanse sa suplay at demand ng kuryente.