Naitala ng Social Security System (SSS) ang pinakamalakas nitong kalagayang pinansiyal sa ilalim ng pamumuno ni President at CEO Robert Joseph Montes de Claro.
Batay sa ulat, umabot sa ₱1.35 trillion ang kabuuang assets ng SSS noong June 2026, habang pumalo naman sa ₱1.31 trillion ang Investment Reserve Fund.
Sa unang anim na buwan ng taon, umabot sa ₱173.45 billion ang naipamahaging benepisyo sa mga miyembro at pensioner, habang nakalikom naman ang SSS ng ₱200.32 billion mula sa mga kontribusyon.
Target ng SSS na lumampas sa ₱100 billion ang net income nito sa pagtatapos ng 2026 at umabot sa ₱1.5 trillion ang kabuuang assets.
Ayon sa SSS, layunin nitong mapanatili ang matatag at maaasahang pagbibigay ng benepisyo sa mga miyembro, pensioner at kanilang mga pamilya.