Hinimok ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang ma tauhan nito na magtipid ng tubig bilang paghahanda sa epekto ng very Strong El Niño o matagal na tagtuyot
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, kaniya nang inatasan ang mga yunit ng Pulisya na isama sa mga aktibidad ng community policing ang pagpapalaganap ng kaaaman tungkol sa pagtitipid ng tubig at palakasin ang food security
Una rito, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang publiko na mag-ipon ng tubig-ulan upagg magamit muli sa angkop na paraan at buhayin ang pagtatanim ng gulay sa bakuran
Batay sa pagtaya ng DOST-PAGASA, inaasahang lalakas ang El Niño sa mga susunod na buwan at maaari itong makaapekto sa suplay ng tubig at produksiyon ng agrikultura, lalo na sa mga lugar na bantad sa tagtuyot.
Binigyang-diin ng PNP Chief na makatutulong ang mga Pulis sa pagpapalaganap ng mga hakbang para ihanda ang mga komunidad sa pamamagitan Police Community Relations activities, pagbisita sa mga barangay, at pakikipagdayalogo sa mga residente.
Hinihikayat din niya ang mga pasilidad ng pulisya na magpatupad ng mga praktikal na hakbang gaya ng pag-iipon ng tubig-ulan kung angkop sa lugar, agarang pagkukumpuni ng mga tumutulong tubo at gripo, at mas matipid na paggamit ng tubig. | ulat ni Diane Lear