Muling hinikayat ng House prosecution panel si Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa impeachment court at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Kasunod ito ng mga testimonya ng ilang testigo ng depensa na nagsabing wala silang sapat na kaalaman sa mga transaksiyong iniimbestigahan.
Ayon kay private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr., bagama’t nasa depensa ang pagpapasya kung sino ang kanilang ihaharap, naniniwala silang dapat mismong ang Bise Presidente ang magpaliwanag sa mga usapin.
Gayunman, sinabi nitong marami sa mga senator-judge at mamamayan ang nais na personal na marinig ang panig ni Duterte.
Punto niya tanging siya lang ang makakasagot sa mga tanong na hindi nasagot ng mga testigo ng depensa.