Makakaasa ang mga Pilipino na sisiguruhin ng Malacañang na susuriing mabuti ang mga proyektong popondohan sa ilalim ng PhP7.2 trillion national budget.
Ito ayon kay Communications Usec. Claire Castro ay upang masiguro ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Karamihan sa pondo ay for later release at hindi agad ilalabas hangga’t walang kumpletong dokumento, feasibility study, at sapat na batayan para sa pagpapatupad ng proyekto.
Ayon kay Castro, bahagi ito ng paghihigpit sa paggastos na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak na maayos na magagamit ang pondo, kahit pa bahagya itong nakaapekto sa ekonomiya, dahil kailangang magkaroon ng paggasta ng pamahalaan. | ulat ni Racquel Bayan