Nagpakalat pa ng karagdagang pwersa ang Army’s 33rd Infantry MAKABAYAN Battalion sa Sitio Tubak, Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato.
Ito’y matapos ang armadong sagupaan sa pagitan ng magkakaibang pangkat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon sa militar, layunin nilang matiyak ang seguridad ng mga residente at maiwasan ang muling pagsiklab ng karahasan at mapigilan ang paglawak ng tensyon sa mga karatig na lugar.
Nagdulot kasi ng takot at pangamba sa mga residente ang sigalot, dahilan para may mga pamilyang pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Samantala, nagsagawa na rin ng site inspection ang mga kinatawan ng pulisya sa lugar upang personal na masuri ang kasalukuyang sitwasyon kasunod ng naganap na armadong sagupaan at tensyon sa pagitan ng mga nag-aalitang grupo.
