Naka-deploy na ang halos lahat ng naval assets ng Philippine Navy sa ilalim ng Naval Defense Command para gaganaping 2026 ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.
Kabilang ang dalawang bagong offshore patrol vessels na BRP Rajah Sulayman (PS-20) at BRP Rajah Lakandula (PS-21) na nakaposisyon na sa Manila Bay.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez, idineploy ang mga naval assets upang tiyakin ang seguridad at proteksyon sa mga baybayin sa ASEAN Summit.
Gaganapin kasi ang ang pulong ng mga world leaders sa PICC na malapit sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila.
Matatandaang una nang ipinadala ang dalawang warship sa Cebu para sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting nitong Oktubre.