Pumalo sa ₱1.40 trilyon ang inaprubahang pamumuhunan mula sa tatlong pangunahing Investment Promotion Agencies (IPAs) ng bansa sa unang siyam na buwan ng 2026.
Katumbas ito ng malaking 39% na pagtaas– senyales ng tiwala ng mga foreign ivestors sa ekonomiya ng bansa.
kasama sa top 3 IPA ay ang Board of Investment na nakapagtala ng ₱942.90 bilyon—mas mataas ng 22.3% mula sa ₱770.70 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sumunod naman ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na nag-ambag ng ₱309.60 bilyon, na may kahanga-hangang paglago na 76.6% kumpara sa nakaraang taon na ₱175.40 bilyon.
Samantala, nagtala naman ng pinakamabilis na paglago ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kung saan lumago ang mga inaprubahang pamumuhunan nito ng 142.5% at umabot sa ₱145.46 bilyon mula sa ₱59.96 bilyon noong 2025.
ang tagumpay ng BCDA ay bunsod ng malalaking pamumuhunan sa clean energy manufacturing sa New Clark City, tourismo sa Camp John Hay sa Baguio City at Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig na magdadala ng tinatayang mahigit 8 thousand na bagong trabaho.
ayon kay Finance Secretary Frederick Go ang mas malawak na benepisyo nito sa ekonomiya, lalo na sa paglikha ng mga trabaho, pagpapalawak ng oportunidad sa negosyo, at pagpapalakas ng kita ng pamahalaan ay para pondohan ang mga pampublikong serbisyo. | ulat ni Melany Reyes