Nagtakda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng bagong accreditation rules para sa mga Electronic Invoicing Service Provider.
Pinangunahan ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza ang briefing para sa mga aplikante tungkol sa mga requirement at proseso ng accreditation.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 110-2026, kailangang makakuha muna ng accreditation mula sa BIR ang mga provider bago nila komersyal na ialok ang kanilang electronic invoicing systems.
Agarang nagkabisa ang bagong panuntunan. Limang taon ang bisa ng accreditation, na sasailalim sa taunang pagsusuri.
Inaatasan din ang mga provider na magtakda ng makatwirang bayarin, protektahan ang datos at tiyaking maa-access pa rin ng mga taxpayer ang kanilang records.
Samantala, December 31, 2026 ang deadline ng compliance para sa mga taxpayer na saklaw ng electronic invoicing requirements.