Umabot na sa 109 ang mga lungsod at munisipalidad sa bansa na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng very strong El Niño.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pinakamarami ang nasa Cagayan Valley na may 66, sinundan ng Caraga na may 23, at Bicol Region na may 12.
May mga lugar din sa CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, at SOCCSKSARGEN na nasa ilalim ng state of calamity.
Samantala, halos 452,000 indibidwal o mahigit 121,000 pamilya ang apektado ng very strong El Niño sa anim na rehiyon.
Umabot naman sa mahigit P6.5 bilyon ang pinsala sa agrikultura, kung saan mahigit 215,000 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Samantala, nakapagbigay na ang pamahalaan ng mahigit P46 milyong halaga ng tulong sa mahigit 36,000 pamilya, gaya ng emergency cash transfer, family food packs, at maiinom na tubig. | ulat ni Diane Lear