Nagpasalamat ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kay dating Secretary Henry Aguda sa kanyang pamumuno at pagsusulong ng digital transformation sa bansa.
Sa pahayag ng ahensya, kinilala nito ang mga pagsisikap ni Aguda na palawakin ang digital connectivity, at palakasin ang kamalayan sa cybersecurity at data privacy.
Isinulong din nito ang digitalization ng mga serbisyo ng pamahalaan, at artificial intelligence para mapahusay ang serbisyo publiko.
Pinasalamatan ng ahensya si Aguda sa kanyang serbisyo at dedikasyon, at hiniling ang tagumpay niya sa mga susunod na hakbang sa kanyang karera.
Matatandaang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Linggo na tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Aguda bilang kalihim ng DICT.