Kinumpirma ni House Prosecutor Representative Chel Diokno sa Senate Impeachment Court na si Financial Forensic Analyst Atty. Alexander Cabrera ang huling saksi ng prosekusyon para sa Article II o Unexplained Wealth sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Day 38 ng Impeachment trial, sinabi ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na isinasaalang-alang ng korte ang plano ng prosekusyon na bawiin ang Article III o Bribery.
Ayon kay Escudero, kung itutuloy ng prosekusyon ang pag-atras sa Article III at tuluyan nang tatapusin ang presentasyon ng kanilang ebidensiya, isasapinal ngayong Martes ang mga final manifestations mula sa Prosecution Panel at iba pang manifestations na gagawin ng alinman sa mga partido.
Bibigyang panahon rin ang pagtugon sa iba pang administrative matters na kailangang tugunan ng Impeachment Court.
Dahil dito, itinakda ang pagsisimula ng Impeachment Trial ngayong Martes, nang ala-1 ng hapon.