Bukas na ang bagong Walang Gutom Kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Catbalogan City, Samar.
Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang inagurasyon ng pasilidad na ikaapat na Walang Gutom Kitchen sa bansa.
Ayon sa kalihim, magbibigay ang bagong pasilidad ng libre, mainit, at masustansyang pagkain sa mga indibidwal at pamilyang nakararanas ng gutom, kabilang ang mga bata, estudyante, tricycle driver, at construction worker na may hindi regular na kita.
Kayang maghain ng kusina ng hanggang 200 hot meals kada araw. Bukas ito mula Lunes hanggang Linggo, simula alas-sais ng umaga hanggang maubos ang nakahandang pagkain.
Matatagpuan ang pasilidad sa Samar Provincial Youth Development Center, Seventh Street, Barangay 13, Patag District, Catbalogan City.
📸 DSWD


