Nanawagan si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano sa mga tagasuporta at kritiko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaisa at suportahan ang mga programang pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.
Ginawa ni Sec. Cayetano ang panawagan nang tanungin siya tungkol sa kanyang paglilingkod sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa gitna ng pagkakaugnay ng kanyang mga kapatid na sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Pia Cayetano sa oposisyon at kay Vice President Sara Duterte.
Ani Cayetano hindi na dapat pang tignan ang political spectrum na kinabibilangan ng mga Pilipino bagkus dapat ay magkaisa ang lahat para sa mga programa at isyung dapat sabay-sabay na ipinaglalaban at tinitindigan ng bawat Pilipino.
“I call on all the President’s critics, all of the President’s supporters, in the next two years, let’s come together, let’s make sure we support the programs that will benefit the Filipino people,” pahayag ni Cayetano.
Ang mahalaga sa ngayon ayon kay Cayetano ay mas maiparating sa bawat Pilipino ang mga ginagawa ng pamahalaan at totoo itong maramdaman sa bawat sulok ng bansa.
📸 PTV