Walang grave abuse sa naging ruling ng impeachment court sa iniurong na articles of impeachment.
Ayon kay House lead prosecutor Gerville Luistro, nasa loob lamang ng kapangyarihan ng Senate impeachment court ang naging desisyon nitong payagan ang pag-withdraw sa tatlong artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, nasa hurisdiksyon ng korte ang pamamahala at pagdedesisyon sa takbo ng kaso.
Ito ang tugon ni Luistro matapos matanong ng media kung maaari bang i-apela o i-kwestyon ang naging hakbang ng Senado sa Korte Suprema (Supreme Court).
Paliwanag ni Luistro, kabilang sa eksklusibong kapangyarihan ng Senado sa paglilitis ng mga impeachment case ang pag-aksyon sa mga mosyon, kahilingan, at pagtutol na inihahain sa gitna ng pagdinig.
Kabilang sa mga inatras ng prosekusyon na kasi ay ang usapin ng confidential funds, suhol (bribery), at pananakot (grave threats).