Inihayag ng Malacañang na nasa 61 na mga decommissioned deep wells o mga isinarang balon ang bubuhayin ng pamahalaan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang hakbang ay naglalayong mapalakas ang suplay ng tubig sa National Capitl Region o sa Kalakhang Maynila sa harap na rin ng inaasahang epekto ng El Niño na maaaring magdulot ng kakulangan sa tubig.
Kasama din ani Castro sa pagsisikap na madagdagan ang suplay ng tubig sa Metro Manila ang Kaysakat Water Treatment Plant na konektado sa Upper Wawa Dam na matatapos na sa susunod na buwan.
Maagap na kumikilos aniya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang buong administrasyon upang mapaghandaan ang epekto ng El Niño.
Whole-of-government approach, ani Castro, ang pagtutulungang ginagawa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang posibleng kakulangan sa suplay ng tubig.