Patuloy ang gagawing pagbili ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng familiy water filtration kit para maipamahagi sa mga komunidad na inaasahang may limitadong access sa inuming tubig lalo na ngayong tagtuyot.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mayroon nang unang NGO ang nagpakilala sa kanila ng nabanggit na technology na siya ding unang nanalo sa bidding at siya ngayong laman ng kanilang stickpile.
Sinabi ni Gatchalian, mayroon pang dalawa hanggang tatlong kumpanya na nakalinya sa ganitong water filtration technology at magpapa-bid aniya sila ukol dito.
Huhugutin aniya nila ang pondo sa Quick Response Fund gayung ipapamahagi nila ang water filtration kit sa mga area na nasa State of Calamity.
Nasa 99.99% ang removal rate ng water filtration na kayang mag- alis ng Cholera, Salmonella, at E. Coli form bacteria.