Dalawang probinsiya sa Region 3 ang pupuntahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isa dito ang lalawigan ng Bataan kung saan ay pupuntahan ng Presidente ang Balanga Green Mobility Hub sa Cabog-Cabog na sinasabing magiging prototype transport terminal na may charging stations para sa mga electric vehicle.
Mayroon din umano itong solar panel installations at battery energy storage systems na inaasahang masisimulang patakbuhin bago matapos ang 2026.
Pupuntahan din ng Punong Ehekutibo ang Clark Freeport Zone sa Pampanga para pangunahan naman ang pagbubukas ng United Parcel Service.
Inaasahang palalakasin nito ang cargo at logistics operations ng UPS sa Pilipinas at sa rehiyon ng Asia-Pacific at magpapabilis sa paggalaw ng mga produkto at shipment para sa mga importer at exporter.