Mariing kinondena ni Laguna 1st District Representative at House Committee on Women and Gender Equality Chairperson Rene Ann Lourdes Matibag ang pambabastos na naranasan ni Josh Aquino, panganay na anak ni Kris Aquino, sa isang podcast episode.
Ito ang tugon ni Matibag sa Season 29, Episode 20 ng podcast na “Machong Chismisan” kung saan nilait ng mga ito si Josh — isang taong may autism.
Paalala ni Rep. Matibag, hindi komedya kundi kawalang-hiyaan at kalupitan ang ginawa ng mga host.
Aniya, walang nakakatawa sa kanilang buto dahil pangmamaliit ito sa taong hindi makadepensa sa sarili.
Anya, malinaw itong paglabag sa Republic Act 7277 (na inamyendahan ng RA 9442) ang pampublikong panlilibak at paninirang-puri sa mga Person with Disability (PWD).
Nakikiisa si Matibag sa aktes na si Kris Aquino at kanyang anak na si Josh.