Hinamon n ni Prosecution Counsel Atty. Benjamin Jay Tolosa Jr. ang defense team ni Vice President Sara Duterte na magharap ng mga tunay na ebidensya upang pabulaanan ang mga mabibigat na akusasyon ng prosecution, sa halip na umasa lamang sa pangkalahatang pagtanggi (general denials) at mga usaping teknikal (technicalities).
Ayon kay Tolosa, ang puna ng prosecution ay mula sa mismong pagsusuri sa pre-trial brief, at mga naging posisyon ng respondent sa panahon ng pagdinig.
Pinalagan din niya ang ipinahihiwatig ng kabilang kampo na ang pagbawi sa tatlong impeachment articles ay nangangahulugang ang prosecution na ang nagdedesisyon para sa respondent kung dapat ba itong magdepensa o hindi.
Panawagan ng legal spokesperosn sa publiko, bigyang-pansin ang mga ebidensya ng kampo ng defense bilang tugon sa mga probisyon, sa halip na ituon ang pansin sa mga pagtutol ng mga ito.
Binigyang-diin pa ni Tolosa na tinanggihan din ng kampo ng defense ang naunang alok na magpalitan ng presentasyon article by article — isang paraan sana kung saan sasagutin ng defense ang bawat akusasyon per article.