Itinatampok ng National Parks Development Committee o NPDC ang estatwa ng tamaraw sa Rizal Park Luneta bilang bahagi ng buwan ng pangangalaga at proteksyon sa tamaraw sa Mindoro.
Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng parke ang Genus Tamaraw na likha ng Pilipinong iskultor na si Jose M. Mendoza.
Layunin ng NPDC na palawakin ang kamalayan sa pangangalaga sa tamaraw, isang uri ng mailap na kalabaw na sa Mindoro lamang likas na matatagpuan at nanganganib nang maubos.
Binigyang-diin din ng ahensya ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na pangangalaga sa likas na tirahan nito upang maprotektahan ang natatanging hayop para sa susunod na mga henerasyon.