Nagkasundo ang Department of Finance o DOF at World Bank na pabilisin ang pagproseso ng financing para sa mga proyektong pangkaunlaran sa Pilipinas.
Tinalakay ito nina Finance Secretary Frederick D. Go at World Bank Managing Director of Operations Anna Bjerde sa sidelines ng 2026 IMF-World Bank Annual Meetings sa Bangkok, Thailand.
Napag-usapan din ang mga nakapilang financing para sa mga reporma sa pamahalaan at pondong maaaring magamit kapag may kalamidad.
Layunin ng kasunduan na mapaikli ang pagproseso sa pagitan ng dalawang institusyon upang mas mabilis na maibigay ang suportang pinansyal sa bansa.