Nakipagpulong si BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza kay National Anti-Poverty Commission Secretary at Lead Convenor Manny Pacquiao para talakayin ang pagbubuwis sa mga donasyon sa komisyon at ang mga kinakailangan sa pagkuha ng Taxpayer Identification Number o TIN.
Kabilang sa tinalakay ang mga naaangkop na patakaran sa buwis at mga requirement para sa mga donasyong nakalaan sa mga programa ng NAPC para sa publiko.
Tinalakay rin ang proseso ng pagpaparehistro para sa TIN para masuportahan ang mga inisyatiba ng komisyon na isulong ang paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng mga urban poor.
Tiniyak naman ni Mendoza na patuloy na itataguyod ang malinaw na tax guidance para masuportahan ang mga lehitimong donasyon at programa ng pamahalaan.
“Through our D.A.R.E.S. reform agenda, we aim to make tax administration more responsive and accessible while upholding tax compliance and protecting government revenues. These efforts support the President’s mandate to advance inclusive growth and improve the lives of Filipinos,” Commissioner Mendoza.