Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si finance at investment veteran Victor Alfonso A. Limlingan bilang bagong Presidente at CEO ng Social Security System (SSS).
Pinalitan ni Limlingan si Robert Joseph Montes de Claro, na itinalaga naman bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Bilang bagong pinuno ng SSS, kabilang sa mga prayoridad ni Limlingan ang pagpapalawak at pagpapahusay ng mga loan program para sa mga miyembro, pagpapabuti ng kita mula sa investment portfolio, at muling paglulunsad ng Pension Booster Program.
Bago ang kanyang bagong posisyon, nagsilbi si Limlingan bilang miyembro ng Social Security Commission, ang policy-making body ng SSS, bilang kinatawan ng mga employer.