Umabot sa 1,193 benepisyaryo sa Eastern Samar ang nakatanggap ng tulong na nagkakahalaga ng ₱13,797,276 mula Oktubre 5 hanggang 16, 2026, sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa kabuuang bilang, 516 na benepisyaryo ang natulungan sa ilalim ng MAIFIP, na may kabuuang halagang ₱7,595,376, habang 677 naman ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng AICS na nagkakahalaga ng ₱6,201,900.
Batay sa ulat ni Cong. Christopher Sheen Gonzales, Lone District representative ng Eastern Samar, nakalaan ang mga programa para sa mga nangangailangan ng tulong medikal, pampalibing, pinansyal at iba pang pangunahing pangangailangan.
Isinagawa ang paghahatid ng tulong sa pakikipagtulungan kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Cong. Nonoy Libanan, kasama ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga katuwang na ospital at mga kawani.
Para sa mga nais humingi ng tulong, maaaring magtungo sa tanggapan sa Borongan City o sa mga satellite office nito, Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
📷 Cong. Sheen Gonzales