Magsisilbing host ang Pilipinas sa 20th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime (AMMTC) and its Related Meetings mula October 19 hanggang 21.
Ang AMMTC ang pinakamataas na policymaking body ng regional bloc para sa kooperasyon sa paglaban at pagpigil sa transnational crime, kabilang ang border management.
Pangungunahan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang talakayan sa mga regional response sa malalaking banta sa seguridad, kabilang ang human at drug trafficking, cybercrime, money laundering, at illicit arms smuggling.
Kasabay ng aktibidad ang mga konsultasyon sa China, Japan, at South Korea upang isulong ang kooperasyon ng ASEAN at mga dialogue partner nito laban sa transnational crime.
Tampok sa mga pulong ang mahahalagang inisyatiba ng rehiyon, kabilang ang deklarasyon para mapigilan ang online sexual abuse o exploitation at ang child sexual abuse o exploitation materials sa digital o artificial intelligence-enabled environment. Tatalakayin din ang pagpapalakas sa papel ng ASEAN law enforcement agencies sa emergency preparedness at disaster relief.