Tinalakay sa kamakailang Joint National and Regional Peace and Order Council ang patuloy na pagsusulong ng Administrasyon na mabigyan ng legal service ang mga PDL o persons deprived of liberty.
Sa naturang pagpupulong ay iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na hakbang ng gobyerno na mabigyan ng serbisyong pangkatarungan ang mga nakaditene nating mga kababayan na patuloy na napagkakaitan ng kalayaan.
Kaugnay nito ay naipresenta din sa Punong Ehekutibo ang resulta ng programa ng pamahalaan na nagbibigay ng tulong legal sa mga PDL.
Sa report na ipinakita sa Pangulo ay umabot sa 55,375 persons deprived of liberty ang napalaya sa pamamagitan ng mga serbisyong paralegal mula Enero hanggang Setyembre 2026.
Ang Public Attorney’s Office, DOJ Action Center — Katarungan Caravan, BuCor at Integrated Bar of the Philippines ay ilan sa mga ahensiya na nagtataguyod ng libreng legal at paralegal services para sa mga PDL.