Patuloy na bumubuti ang kalagayan ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na malubhang nasugatan sa pagsabog sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia, noong Oktubre 10, 2026.
Sa ulat ni Labor Attaché Dominador Salanga, sa tatlong pasyenteng dating nasa intensive care unit (ICU), ang isa ay nailipat na sa regular ward ng burn unit ng isang government hospital.
Ang ikalawa na nasa ICU ay maaring ilipat na rin sa regular ward. Isa na lamang ang nasa ICU subalit bumuti na ang kalagayan, conscious at nasa 15/15 ang Glasgow index.
Inaasahan na maari na ring ilipat sa regular ward and dalawang pasyente at patuloy na bumuti ang kanilang kalagayan.
Nakatakda namang bumisita sa Saudi Arabia si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac, kasama ang ilang opisyal at tauhan ng kagawaran, upang personal na dalawin ang mga nasugatang OFW.
Makikipagpulong din siya sa mga lider ng Filipino community upang ipaabot ang mensahe ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at talakayin ang kalagayan at pangangailangan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia.
Isasagawa ang pagbisita sa ilalim ng One-Country Team Approach, sa pangunguna ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy at Konsulado.