Mas maraming bagyo, inaasahan kahit may umiiral na El Niño —PAGASA
Posibleng mas maraming typhoon at super typhoon ang umiral sa panahong may El Niño.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, hindi ligtas ang bansa sa mga tropical cyclone kahit malakas ang El Niño.
Batay sa kanilang datos, kahit anupaman ang lakas ng El Niño ay mas madaming bagyo at super typhoon category sa naturang phenomenon.
Kasalukuyang nasa bansa ang Bagyong Rosal na posibleng mag-recurve patungong Taiwan, subalit posible pa ring makaapekto ang outer cloudbanks nito sa northern islands ng bansa, partikular sa Batanes.