Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong rehabilitated na istasyon ng EDSA Busway.
Kabilang dito ang Bagong Barrio Station at Monumento Station sa Caloocan City, at ang North Avenue Station sa Quezon City.
Ito ay matapos inspeksyunin nina Transportation Secretary Banoy Lopez at Senior Undersecretary Mark Steven Pastor ang Bagong Barrio at North Avenue stations kahapon.
Ayon kay Lopez, bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang mga commuter sa mga proyekto ng DOTr.
Bahagi ito ng Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project kung saan mas malawak na ang mga istasyon at may bagong waiting shed, railings, tactile paving, wayfinding signs, at LED display para sa pamasahe at station guide.
Bukod dito, inaayos na rin ang mga elevator para sa mga senior citizen, PWD, at buntis.
📸 DOTr

