Wala umanong rekord ang Bureau of Immigration (BI) na nagpapatunay na nakalabas na ng bansa si Atong Ang, batay sa beripikasyon ng Department of Justice (DOJ).
Ito ang paglilinaw ni Justice Secretary Frederick Vida kasunod ng impormasyon mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakalabas na ng bansa ang negosyante sa pamamagitan ng pagdaan sa backdoor.
Pero ayon sa kalihim, hindi nila kinukuwestiyon ang pahayag ng DILG. Nakabatay lamang ang kanilang posisyon sa mga opisyal na rekord ng immigration.
Ipinaliwanag ni Vida na posibleng makalabas pa rin ng bansa ang isang indibidwal nang walang katumbas na rekord sa BI, lalo na kung ginawa ito sa pamamagitan ng tinatawag na backdoor o rutang hindi dumadaan sa sistema ng ahensya.
Nananatili umanong hamon sa mga awtoridad ang pagiging porous o madaling mapasok at malusutan ng mga border ng Pilipinas bilang isang archipelagic state.