Hindi hahantong sa pagkasira ng diplomatikong relasyon ang Tit-for-Tat sa pagitan ng Chinese Ambassador sa Pilipinas at ng mga mambabatas ng bansa.
Ito ang paniniwala ng Military Historian at Defense analyst na si Ginoong Jose Antonio Custodio sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Matatandaang nagbitaw ng pahayag si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na kayang talunin ng China ang Pilipinas kung gagamitin nito ang kanilang puwersa militar, dahilan upang ipanawagan ng mga mambabatas na ideklara itong “Persona Non Grata”.
Dagdag pa ni Custodio na ang kahalagahan ng maingat na pagtugon ng bansa sa isyu.
Nagbabala ng Military Defense Expert laban sa tinatawag na “tit-for-tat” o palitan ng matitinding pahayag na nagpapataas ng tensyon.
Matatandaang nitong Martes, naglabas ng resolution ang Senado na gawaran ng Persona Non Grata ang Chinese Envoy dahil sa tinaguriang “incendiary remarks” nito na ayon sa mga lawmakers ay hindi nakakatulong para mapabuti ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas at China lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.
Panoorin ang bahagi ng panayam sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/1801061264131932