Nadagdagan na ang KADIWA Store sa Quezon City na mag-aalok ng mura at dekalidad na agri commodities sa publiko.
Ayon sa DA, bukas na ang bagong KADIWA outlet sa Jubilee East Ville Phase 1 Commercial, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City na isinakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) at Jubilee Oriental Mindoro Consumer Cooperative.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin at mas malawak na oportunidad para sa mga lokal na magsasaka at producer.
Bukod sa mga gulay, isda, itlog, at iba pang pangunahing bilihin, maaari ring makabili sa naturang KADIWA Store ng ₱20 bigas para sa mga kwalipikadong beneficiaries.
📸 KADIWA

