Photo courtesy of Executive Secretary Ralph Recto Facebook
Nasa tamang schedule ang mga ginagawang paghahanda ng pamahalaan kaugnay ng nakatakdang 49th ASEAN Summit sa susunod na buwan.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na sa nalalabing kulang isang buwan na lamang bago ang ASEAN Summit ay nasusunod naman ang itinakdang mga preparasyong inilalatag para sa nasabing international event
Mula aniya sa agenda hanggang sa mga attractions na inaasahang bibisitahin hanggang sa seat plans ay titiyakin nilang magiging maayos ang paglalatag.
Pati aniya ang galaw ng convoy ng nasa 20 heads of state na magkakaroon ng partisipasyon sa ASEAN ay patuloy na pinaghahandaan at bahagi ng malaking preparasyon.
Marami pa ani Recto na dapat na gawin subalit marami na din aniya silang natugunan kung pag-uusapan ay ang tuloy-tuloy na paghahanda kabilang ang pagsalubong sa tarmac sa mga darating na lider hanggang sa road traffic adjustments.
Si Recto ang nagsisilbing tagapanguna ng ASEAN National Organizing Council na punong-abala sa paghahanda sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa susunod na buwan ng Nobyembre.