Suportado ng Malacañang ang hinihinging ₱29.9 billion budget ng Bureau of Customs (BOC) para sa susunod na taon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinususugan ng administrasyon ang hirit na pondo ng ahensiya gayung kakailanganin talaga ng mas mataas na budget nito lalo’t nakikita namang nagtatrabaho ang naturang tanggapan.
Sinabi ni Castro na kung tinapyasan man ng House version ang budget ng Customs Bureau at umabot lamang ito sa ₱5.9 bilyong piso ay mayroon pa namang version ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Daraan pa din aniya ang panukalang budget sa Bicam, sabay pahayag na marahil ay magandang makita ng Kongreso kung bakit ganun ang budget na ibinibigay sa mga ahensiyang katulad ng Bureau of Customs.