Pinalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga paghahanda nito para matugunan ang posibleng epekto ng Super El Niño, partikular ang matinding init at kakulangan sa suplay ng tubig.
Sa pamamagitan ng Malabon City Task Force El Niño, nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan para paigtingin ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at sektor sa lungsod.
Layon ng hakbang na matiyak ang maagap at sama-samang pagkilos para mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga residente.
Kaugnay nito, muling hinikayat ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang bawat residente na makiisa sa pagtitipid ng tubig, pangangalaga sa kalikasan, at pagsunod sa mga paalala ng lokal na pamahalaan.