Sen. Revilla, hiniling ang pagbasura ng PhP92.8-M malversation case
Ipinapabasura na ni dating Senator Bong Revilla Jr. ang kasong malversation na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y ₱P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.
Nakasaad ito sa inihaing motion for leave to file a demurrer to evidence ni Revilla sa Sandiganbayan Third Division. Nakalakip na rin umano sa mosyon ang mismong demurrer to evidence.
Bukod kay Revilla, naghain na rin ng demurrer to evidence ang iba pang kapwa akusado ng dating senador.
Una na ring naglagak si Revilla ng ₱1-milyong piyansa para sa kasong malversation noong July 31.