Sa 11am Weather Update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 km silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 230 km/h.
Patuloy pa rin namang nakataas ang Signal no. 2 sa Batanes at Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.), habang Signal no. 1 naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, Dinapigue), Ilocos Norte, at Apayao.
Ayon sa PAGASA, magpapatuloy sa paggalaw pahilagang-kanluran ng bagyong Rosal hanggang bukas ng umaga, October 23.
Ayon rin sa forecast track, pinakamalapit ang bagyo sa Extreme Northern Luzon mula ngayong hapon hanggang bukas ng umaga. Inaasahan ding unti-unting hihina ang bagyo at maaari itong maibaba sa typhoon category ngayong araw.
Posible namang lumabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Biyernes ng gabi o madaling-araw ng Sabado.
