Patuloy na inilalapit ng pamahalaan sa mga Pilipino, lalo na sa mga underserved communities, ang mas abot-kayang gamot at serbisyong pangkalusugan.
Sa ika-11 meeting kasama ang Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group sa Malacañang, isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng YAKAP clinics at GAMOT (Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment) providers sa mga underserved areas, pagpapabilis ng digital services, at pagpapahusay ng proseso upang mas mabilis na maging available sa publiko ang mga gamot.
Sa pulong, natalakay ang pag-akyat sa 22.42 million ang registered beneficiaries ng YAKAP, habang 1.28 million naman ang nabigyan ng libreng gamot sa ilalim ng GAMOT program.
Samantala, inaprubahan ng Food and Drug Administration ang 6,971 Certificate of Product Registration applications mula Enero hanggang Setyembre 2026, mas mataas nang 49% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layunin ng administrasyon na mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot at mapabilis ang access ng mas maraming Pilipino sa kinakailangang gamot at serbisyong pangkalusugan.
