Haharap sa patong patong na reklamo sa Department of Justice ang dating opisyal ng Office of the Vice President na si Jeffrey Tupas.
Itoy matapos maghain ng reklamong obstruction of justice, cyber libel at publication of false onfirmation ang National Bureau of Investigation laban sa kanya.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag ito ay patungkol sa alegasyon ni Tupas na inalok umano sya ng NBI ng matitirahan sa Metro Manila at pera kapalit ng kanyang testimonya patungkol sa umanoy pagtanggap ng male-maletang pera ng pamilya Duterte na syang alegasyon naman ni Rodulfo Gracioso Jr.
Dati nang sinabi ni Matibag na ang inalok kay Tupas ay proteksyon para sa imbestigasyon nila sa mga testimonya ni Gracioso.
Matatandaan na hindi sumipot sa subpoena ng NBI si Tupas at nagsumite lang ito ng kanyang affidavit. Itinanggi nito ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya ni Gracioso. | ulat ni Louisa Erispe