Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus operator na ipatupad ang 20% discount para sa estudyante, senior citizen, at PWD ngayong Undas.
Nagbabala si Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr. na maaaring masuspinde o makansela ang prangkisa ng mga lalabag.
Binigyang-diin din niya ang pagiging magalang ng mga driver at konduktor, lalo na sa mga pasaherong nangangailangan ng tulong.
Nauna nang nag-apruba ang LTFRB ng mahigit isang libong special permit para sa mga bus upang matugunan ang pagdami ng mga biyahero ngayong Undas.
Pinalalakas din ang monitoring sa mga terminal at social media.
Hinikayat ang publiko na i-report ang mga paglabag sa LTFRB Hotline 1342.