Inilunsad ng senado sa pakikipagtulungan sa Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC13) ang Senate TV, isang high-definition channel na magbibigay sa publiko ng direktang access sa mga aktibidad at pagdinig ng mataas na kapulungan.
Mapapanood ang Senate TV sa IBC Digital TV Channel 13.3, na inuupahan ng senado mula sa IBC13, na siyang may-ari at nagpapatakbo ng frequency.
Kabilang sa mga ipapalabas sa Senate TV ang mga senate plenary sessions, committee hearings at iba pang opisyal na gawain ng senado habang nagaganap ang mga ito.
Nakaplano na ring magkaroon ng sariling newscast at mga programang nakatuon sa mga aktibidad ng senado.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, napapanahon ang paglulunsad ng Senate TV sa gitna ng mga pangyayari sa bansa para magkaroon ng kumpleto at tamang impormasyon ang publiko. | ulat ni Nimfa Asuncion