Iginiit ni outgoing Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na imposibleng tuluyang ma-“zero” o mawala nang tuluyan ang mga insidente ng baha sa bansa.
Ayon sa opisyal, nangyayari ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na sa bansang Tokyo, Japan, na kilala sa pagkakaroon ng isa sa mga pinaka-maaayos at epektibong imprastruktura laban sa baha.
Paliwanag ni Dizon, ang tanging magagawa ng pamahalaan ay ang magplano at magpatupad ng mga proyekto nang tama at maayos upang epektibong mapababa o mamitiga ang epekto ng pagbaha.
Kasabay nito, binuweltahan niya ang mga nakaraang proyekto na aniya ay “ginawa lamang para mangurakot” o “done just to steal.”
Sa kabila ng mga hamon sa imprastruktura at madalas na pananalanta ng kalamidad sa Pilipinas, binigyang-diin ng kalihim na ang tamang pamamahala at tapat na pagpapatupad ng mga hakbang laban sa baha ang susi upang matulungan ang taumbayan.