Nakataas na ang FULL ALERT status sa hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa UNDAS 2026.
Alas-12:01 kanina epektibo ang Full Alert status at tatagal ito hanggang sa alas-12:01 ng November 3.
Nasa 73,034 na mga tauhan ng PNP ang ipinakalat sa buong bansa na bahagi ng 141,172 mga tauhan kasama ang iba’t-ibang law enforcement agencies at force multipliers.
Ayon sa PNP, tutok ng seguridad ang nasa 5,311 mga sementeryo at columbarium, mga pangunahing lansangan, transport hubs, mga simbahan at pasyalan.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko ngayong araw dahil sa mga magsisiuwian sa kanilang mga probinsya.
Pinayuhan ng PNP ang publiko na planuhin nang maaga ang biyahe, umalis nang mas maaga kung maaari.