Pinaigting ng Coast Guard District Western Visayas ang kahandaan at pagbabantay bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026.
Layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at biyaherong magtutungo sa kani-kanilang probinsya at destinasyon ngayong panahon ng Undas.
Kaugnay nito, paiigtingin ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa mga pantalan, terminal ng mga sasakyang pandagat at iba pang strategic na lugar sa Western Visayas.
Kabilang sa mga hakbang ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga sasakyang pandagat, pagsubaybay sa daloy ng mga pasahero at pagpapatupad ng mga alituntunin sa kaligtasan sa paglalayag.
Tiniyak din ng CGDWV ang kahandaan ng kanilang mga tauhan na tumugon sa mga posibleng insidente at emergency upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay ng publiko.
Samantala, hinikayat ng Coast Guard ang mga byahero na sumunod sa mga patakaran sa kaligtasan, makipagtulungan sa mga otoridad at manatiling mapagmatyag upang maging ligtas ang kanilang paglalakbay at mapayapa ang paggunita ng Undas.
📷 CGDWV

