All-set na ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament session ng 80-seat Parliament ng BARMM ngayong araw.
Pormal na magsisimula ang termino ng mga nahalal na miyembro ng gobyerno, gayundin ang iluluklok na opisyal mula sa plenaryo.
Nakatakda ang sesyon mamayang alas-3:30 ng hapon at isasagawa sa Plenary Hall ng Parliament sa Cotabato City.
Magsisimula ang aktibidad sa pamamagitan ng ceremonial opening ng Wali, ang ceremonial head ng Bangsmoro at susundan ng pagtatalaga ng temporary presiding officer, ang call to order at roll call ng members of parliament.
Nananatiling suspendido ang pasok sa lahat ng eskwelahan sa Cotabato City mula pa noong Lunes habang naka work-from-home mode ang mga empleyado ng lahat ng ministries at support agencies ng BARMM government bilang bahagi ng security measures.
Nakabantay naman ang mga pulis at sundalo sa strategic areas sa lungsod at sa loob ng BARMM capitol para mapanatiling mapayapa at ligtas ang makasaysayang BARMM Parliament Session.